Ito ang mga nausong text quotes noong kabataan ko. Hindi pa naman ako masyadong matanda ngayon. Mga edad 14 lang ako noong nakahiligan kong mangolekta ng text messages (taong 2005). Isinusulat ko sa isang notebook ang mga text messages na natatanggap ko sa mga kaibigan at katext ko bago ko ito burahin sa cellphone ko.
Nagagandahan lang ako sa mga text quotes kaya ko ito isinusulat, yun lang ang dahilan ko noon. Pero ngayon, sa tuwing nababasa ko ang mga ito, hindi lang realization about love ang naiisip ko. Naaalala ko din ang mga taong nag-send nito sakin. Mga taong malapit sa akin noon na hindi ko na masyadong kaibigan ngayon. Mga hindi ko na nakikita at nakakausap. Hindi na din nagpapansinan. Ito na lang ang nagpapaalala sa akin na minsan naging close friend ko sila.
Ang lahat ng mga sumusunod na quotes ay na-categorize ko sa "Nagmamahal Lang" section. Dahil pilosopo, kasabihan, aral, gawain at paniniwala ito ng mga taong nagmamahal lang. Masakit man, nakakatawa o nakakainis, bahagi ito ng pagmamahal.
* Corny daw pag umiyak ka dahil sa isang tao. Sa panahon ngayon, di na raw yun uso. Pero ako? Pinagmamalaki kong umiiyak ako! Para malaman ng buong mundo na nagmamahal ako ng totoo.
* Ang selos ay isang malupit na salita. Pag naramdaman mo ito, as if you want to kill. But the worst is nakakamatay din ito. Pero ang selos ay isang malupit na patunay na sagad sa buto ang pagmamahal mo.
* Lesson 1: wag magmahal ng sobra. Yan ang sabi ko dati para walang masaktan, walang iiyak, manloloko at magpapaloko. Kaso dumating ang panibagong lesson: wag magsasalita ng di tapos.
* Sa buhay may kamalian. Sa pag-ibig may iyakan. Sana palagi mo tandaan ang pag-ibig di dpat gawing laro. Ang pagmamahal dapat bukal sa puso. Kahit buong mundo ayaw sa inyo, gawin mo lahat para sa taong mahal mo.
* You can't blame anyone just because you were hurt by your love one. The only thing you can blame is your heart. Tanong mo dyan sa puso mo kung bakit siya pa, di yan sasagot kasi di yan nag-iisip, nagmamahal lang.
* The hardest thing about love is when you don't know if it's just infatuation or real love. At minsan hinahanap mo siya hindi dahil mahal mo siya, kundi dahil nasanay lang ang puso mo na andyan siya.
* Pag may mahal ka daw, piliin mo yung gago. Dahil ang gago, pag nagmahal nagbabago. Kaysa daw sa mabait at gwapo pakita sayo pero ang totoo talikuran kang ginagago.
* Kahit anong uri pa ng tao ang taong mahal mo, wag mong hayaang mawala siya sa buhay mo. Wag mong pakinggan yung ibang tao. Isipin mong siya ang buhay mo at ipaglaban mo kahit kanino.
* Maraming naniniwala sa salitang ''mahal kita''. Daming umiiyak, nasasaktan at umaasa. Pero alam nyo ba na sa salitang 'mahal kita' natuto akong magsabi ng ''alak pa''.
* Mahirap para sa akin ang sumuko kasi sabi ko lalaban ako. Ayoko sana pero wala akong magawa, dahil mismong ang taong pinaglalaban ko ang nagsasabing ''talo ka na''.
* When we say sorry to someone, it doesn't mean na may ginagawa ka agad na kasalanan sa kanya. Minsan, nagsasabi tayo ng sorry para iparamdam sa kanya na mahalaga siya sa paraan ng pagso-sorry dahil takot ka na mawala siya.
* Pag nasaktan ka dahil sa pagmamahal, normal lang yun. At ibig sabihin tunay pagmamahal mo sa kanya. Pero pag nagmahal ka ng iba dahil nasaktan ka, asahan mo panakip butas lang siya dahil mahal mo pa 'yung iba.
* Pag kasama kita, bawat sinasabi mo dinadama ko. Bawat kilos mo pinapanood ko. At bawat nagdaang saglit pilit kong sinusulit. Alam mo kung bakit? Dahil baka hindi na yun maulit.
* Hirap umasa sa hindi mo alam kung ano ka ba sa kanya. Hindi mo alam kung saan ka dapat lumugar. Hirap magdesisyon kasi minsan akala mo mahal ka niya. Pero ang totoo pinasasaya ka lang niya kasi alam niyang mahal mo siya.
* Noon, akala ko tama magmahal ng todo. Tama ibigay mo lahat. Mali pala ako, kasi pag iniwan ka na, paano ka magsisimula ulit? Paano ka magmamahal ng bago kung kunting pagmamahal sa sarili ibinigay mo na?
* Ang sakit pag ang mahal mo may kasamang iba. Nasasaktan ka dahil lagi silang magkasama. Pero hindi mo alam, pag ika'y nakatalikod, nakatingin siya sayo at sinasabing, "sana ikaw ang kasama ko."
* Symptoms of love: As if walang pakialam pero deep inside miss na. Pag nagtext siya, so what daw pero mamaya magrereply. Pa-erase-erase ng number niya pero memorize naman. Love nga naman!
* Sabi nila kapag natuto ka daw magmahal, matuto kang maging masaya at maniwalang wala na itong katapusan. Pero alam mo ng matuto akong magmahal ng sobra, dun ako natutong masaktan at maniwalang lahat ay may katapusan.
* Ang totoong pag-ibig, hindi pinapakita sa kilos o gawa. Try mo siya tanungin kung bakit ka niya mahal. Pag sinabi niyang hindi niya alam, maniwala ka. 'Coz true love has no reason.
* Sometimes I just smile to cover up the pain. Sometimes I laugh to cover up my sadness. But whether I smile or laugh I can never hide what I really feel inside. Sakit pala tumawa pag nasasaktan ka na.
* Pag mahal mo isang tao, kahit malayo pa siya dapat kayanin mo kahit di kayo madalas mag-usap o magkita, carry mo. Dahil ang pag-ibig hindi sa lapit o layo kundi nasa puso at tiwala.
* Pag dumating yung araw na handa mo ng ibigay ang puso mo, piliin mo yung pinakamamahal mo. Yung di sasaktan ang damdamin mo. Dahil ang puso, pag nasaktan, mahihirapan na muling magmahal.
* Love--dyan mahina ang tao kasi di yan tinuturo sa school. Sarili mo lang makakatuklas nyan pero ingat sa subject na yan, maraming bumabagsak dyan. Hindi din pwede kodigo dyan.
* The sweetest thing you can do for a friend, alagaan siya. The coolest thing you can do, is to always be there for him/her. The worst thing to do is to pretend na kaibigan mo siya pero ang totoo mahal mo na. (
* 'X'. Bansag sa mga past lovers natin. Pero alam niyo ba sa math, ang 'x' stands for unknown? Talaga bang kinalimutan mo na siya o talagang di na kinikilala kahit mahal mo pa?
* Masakit magmahal ng palihim. Masasaktan ka lang ng sobra kapag patuloy mo itong itatago. Pero di ba, mas masakit kung kailan kinalimutan mo na siya, saka mo malalaman na buong buhay niya, ikaw lang minahal niya.
* Pag nakipag-break ka sa isang tao, just make sure na pati puso mo ayaw na din. Dahil once na gusto pa ng puso mo, hindi ka sasaya kahit pilitin mong magmahal ng iba.
* Habang naghihintay ka sa taong para sayo, maglibang at maglaro ka muna sa iba. Pero ingat lang ha? Dahil baka ang taong pinaglaruan mo ay siya pala ang taong para sayo.
* Nagsisisi ka? Bakit? Dahil pinakawalan mo pa? Mahal mo pala! Bakit binalewala mo lang? Yan tuloy, umiiyak ka habang ang dating baliw sayo, maligaya sa piling ng iba.
* Ang magandang love story daw, una bestfriends. Tapos magkaka-inlovean, tapos mag-aaminan, mag-iiwasan, mag-iiyakan. Pero mangingibabaw pa rin ang pinagsamahan, kaya sa huli, magkakatuluyan.
* Mahirap maitali sa isang taong di ka sigurado sa iyong nararamdaman. Dahil anong silbi ng pangako kung walang pagmamahal? At anong silbi ng nagmamahal kapag awa ang nangingibabaw?
* Minsan nakakatakot na magmahal. Di mo alam baka masaktan ka lang muli. Pero ganoon naman talaga ang love di ba? Magsasayang ka muna ng maraming luha bago mo matagpuan ang taong kailanman ay di ka na iiwan pa.
* Pag nalaman mong pinagtripan ka lang ng mahal mo, hawakan mo kamay niya, hilahin mo tapos sabihin mo, "nice game, panalo ka. Pero ingat ka baka matalo ka pag pinaglaruan ka ng karma.
* Mahirap palang magmahal sa isang tao lalo kung sa text nag-umpisa. Di mo kasi alam kung totoo sayo o hindi. Minsan seryoso, minsan biro. Ang masakit pa nun, maniniwala ka, yun pala, trip lang niya.
* Minsan, nakakainis na magmahal. Darating siya sa buhay mo, magiging special. Tapos kung kailan mahal mo na, dun mo lang malalaman na kunwari lang pala.
No comments:
Post a Comment