Friday, February 2, 2024
Minsan Tayo ay Naging Teenager
Minsan tayo ay naging teenager. Minsan dumaan tayo sa isang yugto ng ating buhay kung kailan puno ng mga hindi makakalimutang karanasan. Mga panahon na akala natin ay sigurado na tayo sa lahat. Sa munting kaalaman, naging nagkaroon ng kompiyansa na nauunawaan na natin ang takbo ng mundo, ang kalakaran ng buhay, at ang ikot ng kapalaran.
Minsan tayo ay naging teenager. Minsan tayo ay umibig at nagmahal ng tila walang hanggan. Minsan tayo ay pumili ng tao at pinangakuan na sasamahan habang buhay. Minsan naranasan natin ang tumigil ang oras sa piling ng ating sinisinta. Walang takot, walang pangamba, walang pagdududa.
Minsan tayo ay naging teenager. Minsan naranasan natin na ang bawat sandali ay tila walang simula, tila walang katapusan. Tila walang nakaraan, walang hinaharap. Bawat sandali ay tila nilulunod tayo sa lalim ng pagmamahalan at lumulutang sa gaan ng kagalakan.
Minsan lang tayo naging teenager. Pero ang bawat sandali sa mga pahina mula sa yugtong ito ng ating buhay ay magiging bahagi ng ating alaala, mananatili at hindi malilimutan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Minsan Tayo ay Naging Teenager
Minsan tayo ay naging teenager. Minsan dumaan tayo sa isang yugto ng ating buhay kung kailan puno ng mga hindi makakalimutang karanasan. M...

-
• ONE MAN WOMAN . Isa to sa mga pinapangarap ng mga babae, ang maging loyal yung lalaki sa kanila. Wala siyang ibang nilalandi at talagang...
-
Minsan tayo ay naging teenager. Minsan dumaan tayo sa isang yugto ng ating buhay kung kailan puno ng mga hindi makakalimutang karanasan. M...
-
Kapag taken.. laging puyat problemado halos laging walang pera walang oras para sa sarili walang oras with friends halos laging l...
No comments:
Post a Comment