Monday, April 9, 2012

Hindi sapat ang mga sinulat sa diary para mabalikan ang nakaraan. At hindi rin sapat na alalahanin lang yun gamit ang memorya. Merong mga kaganapan sa buhay na hindi naitala sa diary, pero sumasariwa sa alaala. Meron ding nabasura na sa memorya na tanging ang diary lang ang nagpaalala. May mga bagay na importante sa'kin, lalo na sa mga panahong 2007 na dahil sa haba ng nagdaang araw, di ko na naisip pa o naalala.

Sa bawat salita sa diary, bawat gunita, nag-uukit ng ngiti sa mukha, at kirot, pananabik at panghihinayang sa puso. Kulang ang mga naisulat sa diary. Kulang din ang panahong binigay para sa mga sandaling yun. Marami pang pangyayari ang naganap na worthy balik-balikan. At marami ding pangyayari na sana maulit muli. Bawat minutong nagdaan ay magiging historya ng hinaharap. Bawat pangyayari ay magiging bahagi ng kasaysayan ng ating buhay. Masaya man, malungkot o nakakatakot. Bawat masayang karanasan ay magiging malungkot kapag nagbalik-tanaw.

No comments:

Post a Comment

Minsan Tayo ay Naging Teenager

Minsan tayo ay naging teenager. Minsan dumaan tayo sa isang yugto ng ating buhay kung kailan puno ng mga hindi makakalimutang karanasan. M...