Monday, April 9, 2012

Moonstruck

paramnesia- a fake memory..

Minsan, nililito tayo ng ating alaala. Hindi lahat ng nasa ating isipan ay mga nangyayari o nangyari na. Ang iba dito ay tira-tira lang ng ating mga pangarap.

Pag pinipikit ko ang aking mga mata, binubuksan ko ang aking puso, isa lang ang lumalabas sa aking isipan..siya. Isa lang ang aking nararamdaman..sakit.

Nangyari nga ba talaga ang lahat? O natatangi ko lang itong pangarap?

Nagising ako nun, isang araw, nakatanggap ako ng maraming text messages. Karamihan dun galing kay Carlo. Sa mga sandaling yun, bigla akong kinabahan. Pero di ko alam ang dahilan. Basta, bigla na lang umiba ang pintig ng puso ko. Pero ang isip ko, walang reaksyon. Wala akong alam. Di ko maalala kung sino si Carlo. Sino nga ba sya? Paalis na daw sila. That time, 6:30, nabasa ko, 8:30 na. Malamang nasa city na nga sila. Pero, sino nga ba sya? Pakialam ko ba sa kanya? Pero bakit ako kinakabahan, nalulungkot? Parang gusto kong tumakbo papuntang terminal. Baka makita ko ang sagot sa tanong na sino si Carlo. Di ko talaga sya maalala..kung sino sya. Di ko maalala mukha nya, o boses nya.

Tumingin ako sa langit. Maaliwalas, asul na asul. Maliwanag ang sikat ng araw pero malamig ang umiihip na hangin. Iniisip ko, na kung nasa city na sya, nasa ilalim pa rin kami ng iisang langit. Nasaan mn sya, di kami magkakalayo. Iniisip ko na sana tumitingin din sya sa langit, para magtagpo ang aming tanaw.

Huminahon ako at nag-isip. Pinilit kong alalahanin ang mga nagyari. Para kasing panaginip. Ang gandang panaginip. Ordinaryong araw lang. Pumapasok sa school..gala sa pier..tapos uwi sa bahay. Pero nakita ko na lang ang sarili ko sa isang lugar na puro kasiyahan. Natulog, kumain,, gumising, naligo, namasyal. Ibang iba sa ordinaryo kong buhay. Malamig ang paligid.

At pagkatapos nun, nagising ulit ako na nasa loob ng kwarto ko. Mainit ang paligid. Parehong tunog pa rin ang naririnig kong katahimikan bago at matapos kong marating ang lugar kung saan para sa akin ay may saktong kaligayahan. Parang walang nagbago. Alaala nga ba o panaginip lang?

Habang pinipilit kong maalala ang mga nagyari nung bago ako magising, nakita ko mga classmates ko. Magkakasama kami sa isang lugar. May isang estranherong lalaki kaming nakasabay kumain. Alam ko, kahit di ko pa alam, nararamdaman ko, sya nga si Carlo. Di ko man maalala sa mga sandaling yun ang mukha nya, itsura nya at boses nya, alam ko na kung sino si Carlo. Naalala ko na.

Sa mga sandaling yun,naalala ko na sya nakatabi kong umupo sa loob ng chapel habang umiihip ang malakas na hangin sa loob. Sya yung laging nang-iinis sakin. Alam ko, kahit di ko maalala itsura nya..sya yung taong hinahanap ko habang nasa gitna ng isang libong participants. Nagkandahilo-hilo ako sa paghahanap sa kanya, samantalang, alam ko, sya yung isang lalaking nasa gilid, nakatitig sakin. Sya din yung nakita kong tumatakbo papunta sa'min para makasabay sa paglalakad pabalik sa sasakyan. Sya din yung nakatabi kong tumayo nung program. Sya din yung pumipilit na may sakit daw, pero ayaw ko namang maniwala. Sya din yung nagdala ng manila paper para maupuan namin, pero marami ding nkiupo, kaya kumuha ulit sya ng kapiraso at nilagay sa harapan ko, at dun sya naupo, pra magkatabi pa rin kami. Sya yung lagi kong katabi, na kahit di umiimik, nararamdaman ko sya. Sya yung iniiwasan ko pag kakain na pero nakatingin pa rin sya sa'kin sa malayo. Sya yung palaging nasa likuran ko, nakatingin. Sya yung taong laging nakaabang sa akin. Alam ko, sya din yung lalaking nakatingin sa akin sa taas ng plaza, habang ako'y nasa gitna ng maraming tao. Alam ko, sya yun. Sya din yung nakasalubong ko galing sa bahay. Di ko talaga maalala mukha at boses nya, pero alam ko na kung sino si Carlo. Sya yun sa alaala ko..at sa panaginip ko.
Kapag gising ako, ang sayang balikan ng mga alaala ko kasama sya. Ang sarap umasang magkikita pa kami. Pero sa tuwing mapipikit ako, nararamdaman ko ang sakit..lahat ng yun, ay isa lamang panaginip. Walang pag-asang mauulit muli, o magkatotoo.

Kalahating alaala, kalahating panaginip at pangarap. Bakit ko ba ito sinasama pa sa araw-araw kong buhay? Ano pa man sya, alin pa man sya dun, alam ko, nararamdaman ko sya. Naniniwala ako na dahil sa kanya nararamdaman kong buhay ako.

Kung nangyari nga ang lahat at ang mga yun ay alaala na lamang, marahil, sigurado ako, di nya na yun maaalala pa. Kung ang lahat mang yun ay isa lamang panaginip, sana, hiling ko na magkatotoo sa realistikong buhay. Pero kung yun ay isa lang pangarap, di ko papangarapin yun kung di ko nakita o natanaw sa totoong buhay.

moonstuck-  Dazed or distracted with romantic sentiment (thefreedictionary.com)

No comments:

Post a Comment

Minsan Tayo ay Naging Teenager

Minsan tayo ay naging teenager. Minsan dumaan tayo sa isang yugto ng ating buhay kung kailan puno ng mga hindi makakalimutang karanasan. M...