Monday, August 6, 2012

kung magiging tayo.....


Kung magiging tayo ba, tatagal kaya? Yan agad ang sumagi sa isip ko, mula nang ipahayag ang panliligaw mo. Gusto mo ako at may gusto din ako sayo. Pero sa ugali mong parang bata, mukhang malabo ata. Alam mo naman na ako’y tupakin, baka di mo kayanin.

Kung magiging tayo ba, tatagal kaya? Naiisip ko palagi, dahil ayokong magsisi sa huli. Kahit na gusto kita, at ako’y iyong sinisinta, di maalis ang pangamba na baka ika’y biglang mawala, iwanan ako sa tabi na wala man lang pasabi.

Kung magiging tayo ba, tatagal kaya? Ikaw na ba ang tadhana ko? Tanong ng puso ko. Nais ko sanang makasiguro na sasamahan mo ako hanggang sa dulo. Sa dami ng iyong ginagawa, may panahon ka pa kaya?upang patunayan ang iyong nadarama, na ito’y tunay talaga.

Kung magiging tayo ba, tatagal kaya? Magkaiba ang ating hilig at paniniwala sa pag-ibig. Sa anumang usapan, hindi tayo nagkakaintindihan. Pareho tayong pikon, saan pa ito hahantong? Hindi naman nagbubunga ng matamis ang pag-ibig na puro pagtitiis.

Kung magiging tayo ba, tatagal kaya? Magiging masaya ba tayo o mag-aaway lang tayo? Dahil lang sa mga simpleng bagay na pareho tayong hindi sanay. Tayo ba’y magmamahalan o di sadyang magkakasakitan? Sa relasyong mahirap desisyunan dahil walang kasiguraduhan.

Kung magiging tayo ba, tatagal kaya? Mamahalin mo din ba ang aking kaartehan , para sa ikatatahimik ng ating samahan? Matatagalan ko ba ang iyong panunukso at mabago ang iyong pagiging seloso? Kakayanin ba ang bawat hamon? O hahayaan na lang mabaon? Sasabihin bang, “basta’t tayo, kaya pa!” o sasabihin na lang “ayoko na, din na kaya.”

Kung magiging tayo ba, tatagal kaya? Tanong ko ito noon, tanong pa rin makalipas ang limang taon. Isang tanong na gumugulo kahit na marami na ang nagbago. Isa ka sa tinangay ng panahon, habang ako’y nasa loob pa rin ng kahon. Kahit na mahirap isipin, ikaw pa rin ang nais mahalin.

Kung naging tayo ba, tatagal kaya? Natakot ako noon sumubok, hanggang ang pag-asa ko ay nabulok. Kaya ngayon ako’y nahihirapan at nasasaktan sa katotohanan. May mga humahabol na katanungan, pero di pa rin matanggap ang kasagutan. Kung naging tayo ba, tatagal kaya? 

###

Friday, June 29, 2012

A Speechless message with deep feelings


Both are quiet but have hundreds of things running in the mind..

Both are missing each other badly..

But want the other one to initiate the conversation..

Both want to be with each other,

To fight, to argue, to show love,

But would pretend that they are fine without each other..

Both want to meet each other,

But will not say anything..

And waits silently..

They would send each other silly messages..

But would not tell that “Stupid I am missing you”!!

10 guys that will affect your life.


1. Your father - Whatever you do, he’ll always be your first love, your hero, your inspiration and the guy that you can forever trust. He is the guy who you can always depend on.

2. Your guy best friend - You may fall for him, or you may not. But the guy best friend will always have a special place in your heart.

3. Your first crush - Whatever you do you will always have this attraction even if you know you cannot have him or he’s just plainly ‘the first crush’.

4. Your first kiss - Whatever happens, he will always have the first taste of your lips. And you will always remember when, where, and how. You will always remember and specifically narrate every bit of the phenomena.

5. Your first boyfriend - He will always be the special one.

6. Your first heartbreak - It may just be a crush, but it will definitely change your opinion in love, men, and relationships.

7. Your celebrity/cartoon crush - You will always day dream of marrying or dating this guy simply because you think he is perfect. But stop! He will never know who you are.

8. Your first suitor - You may like him, or you may have dumped him. But the feeling of being appreciated for the first time will always be very flattering.

9. Your grandfather - If dad’s not around, you can always depend on him.

10. God - Don’t tell me he didn’t affect your life. He is forever loved!

Every girl has that one boy that she’ll never get over.


That one guy that makes you laugh all the time. The one guy that gives you butterflies just when someone mentions his name. the one who remembers all the stupid things you say and reminds you about it months from now. That one who has his name written all over your heart. That one who you compare to everyone. That one you never get sick of talking or hearing about.


That one you cry over and over about. That one that no one can understand, “why him?” That one everyone thinks you can do better than. That one you ask why her not me? That one when you first saw him, you knew you loved him.
Paano kung may isang taong bumabagabag sa isipan mo? Hindi ka makatulog, hindi ka matatahimik hangga’t hindi mo sya mailalabas o maikukwento sa mga kaibigan mo. Pero wala kang available friend na pwedeng makinig sayo. At sa iba naman, nahihiya ka at wala kang tiwala. Tapos may isang tao na nakipag-usap sayo, gusto makipagkwentuhan. Sya yung taong gusto mong pag-usapan sana. Gusto nya na magkwento ka. Ikukwento mo ba sya sa kanya? Ano ba dapat gawin? Nakakainis na nakakahiya..

pag-isipan mo...

PAG-ISIPAN MO
by Trixie Espiel
(kanta sana, pero pinag-iisispan pa din ang tono..hehehe..)

di nauubusan ng kwento
pag magkasama tayo
abot langit ang ligaya
in love na ata ako

* sana’y maisip mong mas masaya ka
pag ako ang kasama mo
nami-miss pag wala sa tabi mo
at sana’y ma-realize mong ako pala ang mahal mo

pero pa’no ba yan?
siya’y kasama mo na naman
ang tuwa nyo’y umaapaw
pagmamahalan nyo’ng dalawa ang isinisigaw

* sana’y ako ang maisip mo
kahit sya ang kasama mo
mami-miss kahit sya katabi mo
at sana’y ma-realize mong ako pala ang mahal mo

sana nga ay tayong dalawa na lang
pero malabo ata ang ganyan
mukhang mahal mo sya, mahal ka din nya
mukhang mahal din kita
paano na?

pero kung malabo man ‘yung mangyari
sana ay maisip kong iba na lang ang mahalin ko
at ma-realize ko na sya talaga ang mahal mo

Taken Vs. Single

Kapag taken..
  • laging puyat
  • problemado
  • halos laging walang pera 
  • walang oras para sa sarili
  • walang oras with friends
  • halos laging losyang 
Kapag single:
  • blooming 
  • laging may pera
  • may oras with friends
  • walang lalaking pinoproblema
  • di nawawala sa sarili
  • at mas lalong gumaganda!

-tumpak! :D


sometimes we miss out on most loveable moments.. Just because we want the other one to take the first Step..

truth about girls



They are IMPATIENT: they always want to be attended..
They are IMMATURE: seeking too much attention..
They are EMOTIONAL: even at the smallest detail, they cry..
They are LAWYERS: theycan make right things wrong and wrong things right..
But inspite all, they are: FORGIVING, LOVING, CARING and FAITHFUL ..
” ONCE THEY CHOOSE YOU. IT WOULD ALWAYS BE YOU ” :)

Wednesday, June 27, 2012

iba't ibang klase ng boyfriend


ONE MAN WOMAN. Isa to sa mga pinapangarap ng mga babae, ang maging loyal yung lalaki sa kanila. Wala siyang ibang nilalandi at talagang sigurado kang sayo lang siya.
• THE GAMER. Ito naman yung boyfriend na mahilig sa mga laro sa computer games. Madalas na kaaway ng babae eh dota o kaya naman NBA. Kaya kung mag mamahal kayo ng gamer, sana maintindihan niyo muna yung consequences.
• ATHLETE. Pwedeng basketbolista, o kahit na anong sport pa yan. Isa to sa mga nakakapagpakilig sa mga babae, na kapag varsity yung boyfriend nila sa school eh talagang nakakalaglag panty este panga sila.
• GEEK. Mga boyfriend na maraming alam sa mga trivia, para silang kuya kim kung minsang bumira. Marami kang matutunan sa kanya sa mga iba’t ibang klase ng bagay.
• BLOGGER. May mga lalaki talagang mahilig mag blog. Masasabi kong masarap mag mahal ang mga blogger kasi expressive sila sa mga nararamdaman nila.
• HAPPY-GO-LUCKY. Eto naman yung klase ng boyfriend na parang magkabarkada lang kayo kung mag turingan. Mga mahilig lang sumabay sa agos ng buhay.
• POSSESSIVE. Ang favorite nilang linya ay “bawal”. Pwedeng bawal ka pumunta kina ganito, bawal kang umalis ng bahay, bawal kang mag suot ng ganyan. Naku sakit sa ulo mga ganitong boyfriend.
• JOKER. Masarap din mag mahal ng ganitong klaseng boyfriend. Dahil di kayo magkakaroon ng dull moments dahil sa tindi niyang sense of humor. Masarap makipagtawanan sa kanila.
• MAN WITH FEW WORDS. Boring type naman tong mga to. Parang boy next door type. Ewan ko pero may mga babae yung gusto yung ganitong klaseng lalaki. Para bang ang mga replies niya sayo ay parang end of conversation agad.
• FLIRT. Wag kang kukuha ng ganito. Sila yung mahilig makipagkilala sa ibang babae kahit na alam nilang may girlfriend na sila. Pwede namang makipag-flirt kung di ka pa committed. Pero kung meron na, its a big NO.
• ADVENTUROUS. Sila yung mga full of surprises na boyfriend, mahilig sila sa mga extreme na ginagawa ng mga magkakarelasyon. Puro kayo kilig kapag ganitong klaseng boyfriend ang makukuha niyo kasi lagi kayong magtataka kung ano ang gagawin niya.
• MUSIC LOVER. Nakakakilig lang lalo kapag marunong sila ng instruments or at least kumanta. Talagang mapapaihi yung babae kapag nag harana na yung lalaki kahit sintunado pa to.
DREAMER. Para sa akin, kung kukuha ka ng boyfriend ito ang kunin mo. Sila yung may mga pangarap sa buhay. Yung marunong mag set ng goals para sa inyong dalawa. Siya yung tipo na FAMILY ORIENTED na tao. Masarap mahalin ang mga to kasi alam mong safe ka sa kanila.
Pero kahit anong klaseng boyfriend pa ang boyfriend mo, ang mahalaga mahal ka niya at mahal mo siya and at the same time masaya kayo sa isa’t isa.

Sunday, June 17, 2012

my own crazy little thing called LOVE?


"Everyone of us have someone who is hidden in the bottom of the heart. When we think of him, we feel like hmmmmm...... Always feel a little pain. But we still want to keep him. Even though I don't know where he is today..what he is doing. But he is the one who makes me know this... a little thing called LOVE."
-Nam

Habang tumatanda ka, mare-realize mo na maliit na bagay lang talaga ang love. Pero para sa isang taong first time maka-experience ng love, first love is a big thing. Ako ang taong 'first love-fanatic'. Gustong gusto ko ang mga kwentong related sa first love, at lagi na lang akong naiiyak pag nakakabasa o nakakapanood ng kwento tungkol dito. Marami akong sariling assumptions kung bakit ako naiiyak. Siguro kasi di ko pa nararanasan yun at hindi ko na mararanasan pa. Imposible na para sa puppy love. More than 20 years na kasi ako. Hehe..

Anyway, trailer pa lang ng A little Thing Called Love, nasabik na akong panoorin. Thailand movie ito. Sa trailer pa lang, nasabi ko sa sarili ko na masakit ito, at mapapaiyak ako. Yun nga, naiyak nga ako. Isang tao lang ang bigla kong naisip matapos kong panoorin ang movie. Medyo pareho kasi ang naramdaman namin ni Nam noong nasa high school pa lang ako. Sa mga nakaw-tingin at pasulyap-sulyap ni Nam kay Shone, naalala ko crush ko noong high school, si JM. Ganun din kasi ako dati sa kanya. At kagaya ni Nam, may mga supportive friends din ako na kasabwat sa mga plano sa modus na magpapansin. Kaya lang, ang kaibahan, di ko ipinagpatuloy ang laban. Siguro hanggang dun na lang talaga ang story para sa aming dalawa. Pero okay lang. At least may story pa din. May kilig moments pa din akong babalikan sa high school.

Classmate ko si JM noong first year high school. Tahimik lang siya at may pagkasuplado. Pero naisip ko noon, di siya uubra sa akin. Kaya tapang-tapangan ako kausapin siya. Kinakausap niya din ako. Buti na lang hindi sumobra ang katapangan at kakapal ng mukha kong magpapansin sa kanya, kunh hindi, nasupalpal nya din ako, kagaya ng ginawa niya sa ibang classmate naming babae na may crush sa kanya.

Nakilala siya sa klase bilang gwapo na suplado na matalino na antipatiko. Hindi siya nakikipagkaibigan sa ibang babae. Konti lang ang barkada niya sa klase namin. Hindi siya mahilig makipag-bonding sa iba. Kahit na crush ko siya at matino naman ang pakikitungo niya sa akin, natatakot pa din akong magpaka-fc sa kanya dahil sa mga nasaksihan kong pagsusuplado niya sa ibang babae.

 
First year. (2003)
Where: Sa loob ng room ni Mrs. Bulalacao. Subject: Araling Panlipunan I.
Every quarter, nililipat kami ng upuan para daw maiwasan ang pagkokopyahan ng magkakaibigan. May long quiz kami sa araw na yun pero hindi ako nakapag-review. Habang inaaliw ng iba kong classmate ang titser namin para maipagpaliban ang exam, naisipan kong mag-review na lang. Hindi ko dala ang libro ko kaya naghanap ako ng mahihiraman. Sakto namang may librong hindi ginagamit na nakapatong lang sa desk sa unahan ko lang. Walang bag sa upuan kaya hindi ko mahulaan kong kaninong libro yun. Basta ko na lang itong kinuha at nag-review. Wala ding pangalan ang libro. Habang nagre-review ako, biglang umupo si JM sa upuang nasa unahan ko. At maya-maya napansin ko siyang para bang may hinahanap sa paligid niya. Napatingin siya sa librong binabasa ko at tumingin siya sakin. Tinanong niya ako kung may nakita daw ba akong libro sa desk nya. Ayoko namang isauli agad ang libro dahil hindi pa ako tapos mag-review kaya nagsinungaling ako. Sabi ko wala akong nakita. Tinanong pa niya kung kanino libro ang gamit ko, sabi ko kay Dan-dan(classmate din namin na kabarkada ko). Tinignan niya lang ulit ang libro at naglakad patungo sa likuran. Na-curious ako kung kanino ba talaga yung libro kaya flinip ko ang pages ng baka sakaling may papel na nakasingit. Biglang nahulog ang library card niya. Pinulot ko ito at ibubulsa sana nang bigla siyang lumapit, at sinabi, "sabi ko na nga ba, sakin libro yan eh." Kinuha niya ang libro niya at inabot ko na lang ang library card niya. Sa loob-loob ko, sayang, kung hindi niya lang nakitang nahulog library card niya, itatago ko talaga yun! Sayang talaga! Mula noon, hindi na ako nakkinig sa turo ng teacher pag AP class na, lagi na lang akong nakatingin sa likod nya na nasa harapan ko lang.
 
Second year. (2004)
Hindi ko na siya naging classmate. Nalipat siya sa ibang section dahil sa mga absences niya noong last quarter na ng first year. Wala akong masyadong balita sa kanya. Pero nakikita ko pa rin siya sa school. Nakikita ko pa rin ang pagmamaldito nya sa mga nagpapapansin sa kanya.

Third year. (2005)
Taon kung kailan gandang-ganda ako sa sarili ko. Nalaman ko nalipat na siya sa mas mataas na section kumpara noong second year. Masaya ako para sa kanya. Ganado din akong mag-aral dahil nabalitaan ko na nagta-top siya sa klase nila. Excited ako dahil baka maging classmate ulit kami pag dating ng fourth year. Nalaman ko din na mabait na siya. Nakikipagkaibigan na daw siya.

Sabado noon, start ng Intrams ng school namin kaya may parade. Ako ang napagdesisyunan na maging muse para sa Juniors dahil ako ang naging muse sa advisory class namin. No choice ako, desisyon yun ng adviser namin. Nakakahiya man at nalungkot ako para sa mga Juniors. Sobrang kabado ako sa parade. Dala-dala ko ang banner ng Juniors. Shocks! Pagdating sa Poblacion, nagulat ako kasi nakita ko siya sa tabi ng kalsada, nanonood ng parade. Nakatingin siya sakin. Kinilig ako ng bonggang-bongga! Sa dami ng nanonood, siya ang naiiba. Ang pagkakaalam ko, hindi siya mahilig sa mga ganung bagay. Taong-bahay lang kasi siya. Kaya hindi ko inaasahang makikita ko siya sa labas. Pero noong araw na yun, lumabas pa talaga siya ng bahay nila para makita ko siya. Wow, feeling ko naman!

Fouth Year. (2006)
Section I daw dapat siya pero nagpalipat siya sa section II dahil andun mga barkada niya. Sayang, mag-classmate na sana kami. Pero ganunpaman, masaya ako para sa kanya dahil nagbago na siya. Namamansin na siya at hindi na siya suplado.

Classmate ni JM ang isa kong bestfriend, si Mel. Siya nagyaya sakin na sumali sa sabayang pagbigkas na handog ng Literary Club para sa Orientation Day. At ang role ko dun, madre! Shocks! Kwento lang sakin to ni Mel. Nasa adviser kasi nila ang pictures noong orientation day. Isang araw, naiwan ng adviser nila ang mga pictures sa ibabaw ng mesa niya, kaya tinignan ito ng mga clasmates niya. Matapos pagkaguluhan ng iba niyang classmates, naiwan siya, si JM at dalawa pa nilang kaklase sa mesa at tinitignan ulit ang mga pictures. Pinag-uusapan nila ang naging role ni Mel sa sabayang-pagbigkas, at ang galing niya sa pag-arte. Maya-maya, narinig ni Mel na nagsalita si JM. Sabi niya lang, "bagay sa kanya ang suot niya." Akala ni Mel, siya ang tinutukoy ni JM. Tinignan niya si JM, nakangiti lang ito habang nakatingin sa hawak nitong picture. Kaya tinignan niya din ang litratong hawak ni JM. Ang litrato, kuha namin ng classmate kong bakla. Yun kasi ang tagpo na nag-uusap ang madre at ang pokpok. Ako ang madre, na naka-damit ng puting blouse at navy blue na skirt hanggang tuhod. At si Cos, ang classmate kong bakla, nka-mini-skirt, tube at may wig na blonde. Tumawa lang si Mel, akala niya kasi si Cos ang tinutukoy ni JM. "Oo nga, bagay nga kay Cos. Mukhang na siyang babae." Sabi ni Mel. "Hindi. Siya(sabay turo sa picture ko). Bagay sa kanya ang damit niya. Ang ganda niyang tignan." Sagot ni JM.

Wow! Syempre, mega-kilig ako nang narinig ko ito. Haha.. Parang hindi ako makapaniwala.

Library. Parents' Day noon kaya walang klase. Instead na pauwiin, ini-request ng Principal sa CAT commandant na palinisan ang library at warehouse office sa mg fourth year students. Sections I-III sa library maglilinis. Habang ang natirang sections, sa warehouse. Madami na ang naglilinis. Yung iba nagwawalis, nagtatrapo ng sahig, ng bintana at ng nag-aayos ng mga libro sa bookshelves. Medyo maliit lang ang library namin para sa tatlong sections. Magbalik ng libro, yun na lang ang maitutulong ko. Pero habang nililinis pa ang ang mga booksheleves, naupo ako sa sahig, sa likod ng library counter para hindi makita ng librarian at nagbasa ng world history book. Yun kasi ang hilig ko. Dumating ang kaibigan ko na kaibigan din ni JM. Tinanong niya kung ano daw ang binabasa ko dahil gusto din daw niya magbasa ng libro. Naupo siya sa tabi ko at tinignan ang cover ng libro. "world history????" tanong niya na may halong pandidiri. "Bakit? ano naman?" tanong ko sa kanya. "Wala naman tayong world history na subject, bakit yan ang binabasa mo" tanong niya ulit. "Eh, dito ako interesado. Tsaka, yun na nga, wala tayong subject dito kaya ito pinag-aaralan ko." sagot ko sa kanya. "Tsk. Pareho lang talaga kayo ni JM. Mahilig din sa history yun. Pareho nga kayo ng binabasa ngayon." Sabi niya at tumayo siya at lumabas. Na-excite ako nang marinig ko yun. Nasa loob pala si JM? Pareho kami ng binabasa? Pareho kami ng hilig? Aba! Bagay pala kami magsama! Nakangiti akong tumayo para hanapin si JM at tignan kong pareho nga kami ng binabasa. Pagharap ko sa counter, nagulat ako dahil andun lang pala siya. Kumbaga, nasa likuran ko lang pala siya. Napatingin siya sakin saglit tapos pinagpatuloy niya ang pagbabasa. Tinignan ko ang librong hawak niya. Color pink ang cover. Pareho nga kami ng binabasa! Ow-em! What iz da meaning ov diz??!

The serbey. Kakatapos lang ng periodical exam noon. Habang nakatambay sa may stage kasama iba kong classmate, napagtripan naming gumawa ng survey. Isusurvey namin kong ano ang nagugustuhan ng mga lalaki sa mga babae, o kung ano ang ideal nilang babae. Bukod sa malaman kung ano ang ideal girl ng mga lalaki, kung pasado ba kami dun, isa pang dahilan kung bakit namin gustong gawin ito ay para magpapansin sa mga crush namin. Sa survery, may excuse kaming makausap sila.

Nagsimula na kami. Ang target, Junior at Senior boys. Tatlo kaming babae na nagtatanong. Madalas, ako ang tagasulat, yung dalawa ang taga-tanong. Sila na ang nakakausap ng mga cute boys! Maya-maya, lumabas na ang section nila JM. Madami din gwapo sa section nila. Inisa-isa nang tanungin ng dalawa kong classmate ang mga cute boys para sa kanila. Natanong na nila lahat ng lalaki except si JM. Nagkakahiyaan pa ang dalawa. Nagtuturuan kung sino lalapit kay JM. Nahihiya daw sila kay JM. Dahil naduduwag ang dalawa kong kaibigan na kanina'y ang tapanag-tapang, nagpakitang-gilas ako. Ako lumapit kay JM. Ipinaliwanag ko sa kanya yung survey namin. Pero syempre deep inside kinakabahan ako. "Ngayon na ba?" Tanong niya sakin pero nakayuko siya. "Ikaw? Parang hindi ka pa ata handa at mag-iisip ka pa, pwede ding mamayang hapon na lang." Sagot ko sa kanya. "Okay, sige mamayang hapon na lang. Pero kung pwede ikaw lang ang magtanong sakin." Sagot niya at tinignan niya ako. Oo naman agad ako.

Pagkatapos nun, nagpaalam na ako sa kanya at pinuntahan ko na mga classmates ko. Nakita kong umuwi na din siya. Tawa kami ng tawa. Di ko akalain nagawa kong lapitam siya! Kinahapunan, 3rd period ng hapon. pare-parehong bakante namin, nakatambay kami malapit sa room nila JM. Pinaalala sakin ng classmate ko yung appointment ko kay JM. Hinintay ko lang na dumaan sa amin si jm para tawagin siya. Nung nakita ko siyang naglalakad at saktong dadaan sa lugar namin, tumayo ako at hinarang ko siya. "Uy, JM, di ka pa nakakasagot sa survey namin." sabi ko sa kanya. tinignan ko mga classmates ko, nagsesenyasasn sila sa'kin ng 'go'. "Ay, oo nga pala. Ngayon na ba?" Nakayuko naman siyang sumagot. "Oo kaya. Hapon na kaya." Sagot ko sa kanya. "Oh, sige. Ano ba tanong?" tanong niya sa akin. Binigay ko sa kanya ang dalawang tanong. Ano ba ang nagugustuhan niya sa babae physically, at ang pangalawa ang gusto niya sa ugali ng babae. Nakayuko lang siya habang nag-iisip. Pero nang tignan ko siya, nakatingin siya sa sapatos ko. Na-conscious ako kaya sabi ko umupo na lang kami. Naupo kami sa may sementadong bench at bahagya lang siyang nakayuko.

"hmm. Gusto ko sa babae, sa pisikal muna. Maganda ang buhok, maputi at maganda ang paa." tumingin siya sa akin, habang sinusulat ko ang mga sagot niya. Samantala, ang mga kaibigan ko naman na nakaupo lang sa harap namin, nagtitilian. Nagpaparinig: "Maganda naman ang buhok ko. Ako ba yun JM?" Tanong sa kanya ng kaklase kong kasabwat sa survey namin na may crush din kay JM. "hindi nga lang ako maputi. Baka naman pwede na sayo ang morena?" Tanong ulit ni Jan. "Ay, maputi ba? Baka naman ako yung tinutukoy mo?" Pabiro kong tanong, pero deep inside, naisip ko, hindi lang naman ako ang maputi sa campus. "JM, Hayaan mo, maglilinis na ako ng kuko sa paa at magpapaganda na ako ng paa para sayo." Pabiro naman ulit ni Jan. Sa isip ko, hindi maganda ang paa ko, ang liit kasi. Nakakainsulto, bakit yun pa ang gusto niya? Tumatawa lang si JM sa mga biro ni Jan. "Sa personality naman, ano gusto mo sa babae pag dating sa personality?" Tanong ko nang matapos na ako magsulat. Medyo matagal bago siya nakasagot. Habang nag-iisip siya, joke nang joke si Jan, kaya tawanan kami ng tawanan. Sumagot siya, pero mahina lang kaya hindi ko masyadong narinig. Sobrang ingay pa ng mga katabi namin. Pinaulit ko sa kanya ang sagot niya. "Gusto ko," sabi niya, "mabait, matalino at may takot sa Diyos." Sa totoo lang, hindi ko agad inisip na pwede ako maging kandidata para sa babaeng magugustuhan niya. Ewan ko lang kung bakit. Natahimik ang mga maiingay kong classmate nung sinabi niyang 'may takot sa Diyos'. Seryuso talaga siya. Nagpasalamat ako sa kanya sa pagpaunlak sagutin ang survey namin. Ayoko pang lumayo, pero sa tuwing titignan niya ako, para akong natutunaw. Nilalamon ako ng sobrang hiya at pakiramdam ko namumula ang buo kong katawan. Kaya mas pinipili ko na lumayo agad.

CAT Formation. Friday.
Bumisita samin ang bestfriend ko nung elementary na girlfriend naman ng isa naming classmate sa mga panahong iyon. Cadette Captain yung boyfriend ng bestfriend ko, samantalang kadete naman ang karamihan sa kabarkada ko, habang Admin personnel naman ako. Wala akong masyadong ginagawa kaya ako muna nag-eentertain sa kaibigan ko habang may CAT Formation. Bigla niya natanong sa’kin kung may bf na daw ba ako. Wala, sagot ko naman. Saktong palayo na ako sa kaibigan ko nang matanaw ko si JM, nakatayo sa may pintuan ng classroom nila na katapat lang ng warehouse office kung saan kami naroroon. Under naming si JM dahil Cadette Admin personnel siya pero hindi ko alam bakit siya napunta dun. At sa araw na yun, nagpa-excuse siya sa formation. Sa isang iglap, bigla kong naisip maglaro. Matagal na namin planong gawin ni Precious ‘yun. Ang magpanggap na bf namin si JM. At sa sandaling yun, nakakita ako ng pagkakataon. Bigla ako tumalikod at kinausap ko ulit si Chen. Sabi ko sa kanya, may bf na ako, pero nahihiya lang ako umamin kaya nasabi ko kanina na wala.Natuwa naman siya at nagtanong pa tungkol sa “love life” na dineclare ko. Ako naman, todo-todo ang kwento. Nasabi ko sa kanya ang lahat ng impormasyong alam ko tungkol kay JM. Yung ugali niya, yung mga hilig niya at konting history din. As if kilalang-kilala ko talaga yung tao. Paniwalang-paniwala naman ang kaibigan ko.

Natapos na ang formation. Nagkita-kita na kaming magkakaibigan. Nagkwentuhan sila, kamustahan.Maya-maya, narinig ko na kinukwento na ni Chen ang nasabi ko tungkol kay JM. Kunwari wala akong naririnig. Haha.. Natanaw ko si JM na palabas na ng gate. Nabawasan ang kaba ko sa ginawa kong kasinungalingan. Naisip ko, mabuti na yung umuwi na siya nang hindi na niya malaman ang mga kalokohan ko. Tinawag ako ng Admin Head namin, inutusan niya akong kausapin ang mga natitirang fourth year students tungkol sa bagong announcement. Medyo confident ako kasi wala dun si JM. Nilapitan ko ang mga estudyante ng IV-Camia at IV-Rosal at ibinalita ang pagbabago sa announcement mula sa commandant. Nasabi ko na ang lahat ng dapat kong sabihin, pabalik na ako sa Admin office, muntik akong may naapakang paa sa paghakbang ko ng patalikod. Nagulat ako sa paglingon ko, si JM pala! Umatras ako at nag-sorry. Naglakad na ako palayo pero sumunod siya sakin at nagtanong tungkol sa bagong announcement. Kaya inulit ko na naman ang nasabi ko na sa ibang section. Nasabi ko na ang lahat ng dapat kong sabihin, at sa tingin ko wala na din akong dapat sabihin pa. Namamasa na kamay ko sa sobrang hiya at kaba, pero siya nakayuko lang. Dahan-dahan akong naglakad, sinabayan niya din ako. Ilang hakbang din ang sabay naming hinakbang, ilang segundo din kaming tahimik. Ang awkward na talaga! Ayoko ng ganun, lalong nakakahiya, pero ayoko din namang maputol na agad ang magical moment na 'yun. Mabilis akong nag-isip ng sasabihin para di siya ma-bored sa mabagal naming paglalakad at iwanan ako. Ang tahimik niya kasi at nakayuko lang siya, pero sinasabayan niya pa rin ako sa paglalakad. Naalala ko 2nd Honor pala siya sa section nila. Kaya binati ko siya. Tinignan ko siya, ngumiti lang siya pero nakayuko pa rin. Sabi niya, salamat. Tahimik na naman siya. Kaya dinagdagan ko ang mga salita ko. "Wow naman. Keep it up, huh!" sabi ko. Tumango lang siya, hindi pa rin niya ako tinitignan, pero patuloy pa rin kami sa mabagal naming paglalakad. Ilang metro lang ang Admin office mula sa room nila, pero pakiramdam ko parang ang haba na nang nilakad namin. Parang ang layo pa rin namin sa office. Parang gusto ko nang matapos ang sandaling yun na parang ayoko. Nahihiya talaga ako. First time kong nakasabay sa paglalakad si JM. First time ko siyang nakasama na kaming dalawa lang. Lalo akong nahihiya dahil pakiramdam ko ihahatid niya ako sa office. Nakita ko si Chen mula sa labas ng office namin, nakatingin lang siya samin. Kaya mula sa likuran ni JM, nag-senyas ako ng arrow na nakaturo sa kanya. Tumango lang naman si Chen, ibig sabihin, nagkaintindihan kami. Nakasalubong namin ang dalawa kong kabarkada na classmate ko din, si Lemar at Jowe. Nakangiti sila sakin. Habang papalapit kami sa kanila, sinasadya naman nila na harangan ako. Nang makalapit na, sinadya nilang itulak ako kay JM. Nabalanse ko ang sarili ko na hindi ako matumba sa kanya, nakakahiya kasi. Pero na-out of balance pa rin ako at sumagi ang balikat ko sa braso niya. Aaahhh! Nahirapan akong huminga, promise! Sobrang nahihiya na talaga ako. Kaya pagdating sa kalagitnaan, nagpaalam na ako sa kanya. Umuo naman siya, pero tumakbo na ako papasok sa office. Hindi ko dapat ginawa yun, pero nahihiya na talaga ako sa kanya, di ko na kinaya. Pagdating sa loob ng office, nagtago ako sa may bintana at palihim na tingnan siya. Nakita ko siya naglalakad na papunta sa gate, palabas na ng skwelahan. Ang tagal kong natahimik. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Pakiramdam ko nanaginip lang ako. Masaya ako na naiinis sa sarili ko. I should have stayed longer! I should have said more! Pero natalo ako ng hiya at kaba ko. Habang kasama ko siya, parang gusto ko magtago. Hindi ako makapagsalita.

Lumabas na ako ng office at pinuntahan ko ang mga barkada ko. Tinukso ako ni Chen nung makalapit na ako. "Labs, my bf na pala si Trix, hindi mo man lang nakwento sakin." Sabi ni Chen sa bf niya. Tinignan ako ni Lavisto, bf ni Chen. "3xy, my bf ka na?" gulat niyang tanong. "Sino yan?bakit di ko alam?kilala ko ba yan?" Sunod-sunod na tanong niya. "fourth year daw labs." Sagot naman ni Chen, habang ako tahimik lang. Hinayaan ko lang sila. "fourth year? officer ba o kadete? Sino siya?" tanong ulit ni Lavisto. Ngumiti lang ako at sinabing "secret". Umalis si Lavisto, kaya naiwan kaming nag-uusap ni Chen. Natanong niya kung asan na daw ba ang bf ko. Biglang may naglaro na naman sa isip ko. "Chen, nakita mo yung kausap ko kanina? Siya si JM." sabi ko sa kanya. "Oh? Nakita ko nga kayong dalawa kanina. Siya pala si JM. Cute din siya." nakangiting sabi niya. "Oo nga eh, cute talaga siya." sagoy ko naman. "Asan na pala siya? Pakilala mo naman siya sakin." Sabi niya. "Ay, umuwi na siya eh." sagot ko. "Bakit mo naman pinauwi agad?" tanong niya. "Hindi, ganun talaga yun. Maaga talaga siyang umuuwi." sagot ko. "Naku, nakakahiya naman. Trix, baka naaagaw ko na ang time mo para sa kanya. Hindi ba siya magagalit? Baka sabihin niya, dumating lang ako nawalan ka na ng time para sa kanya." sabi niya. "Hindi, okay lang yun sa kanya. Alam naman niya, saka naiintindihan naman niya." paliwanag ko. "Pero hindi, Friday ngayon, dapat magkasama kayo, kasi bukas, walang pasok, hindi kayo magkikita."-chen. "Okay lang yun. Andito lang naman siya, pwede naman kaming magkita kung gugustuhin namin. Tsaka, magkikita naman ulit kami sa Monday. Eh ikaw, minsan ka lang nandito, minsan lang tayo magkita-kita at magkasama." Nakumbinsi ko si Chen sa paliwanag kong yun. Hindi na ulit siya nangulit pa tungkol kay JM. Tapos na ang usapan tungkol sa imaginary love life ko. Dumating si Precious. Inusisa din ni Chen ang love life niya. Dahil nga dalawa kami ni Precious na nakakaalam sa planong yun, at hindi niya alam na nagawa ko na yun, ganun din ginawa niya. Sinabi niya din na bf niya si JM. Nagulat silang lahat, lalo na si Chen. Nabuking na ang kasinungalingan ko. Natapos na ang pagpapanggap at pagpapapantasiya ko.

Lunes, inabangan ko siya sa school. Inabangan ko kung ano magiging pakikitungo niya sakin, kung papansin niya ba ako o magiging mas friendly siya sakin ngayon. Umasa ako na ang mga nangyari noong Friday ay simula na ng magandang pagkakaibigan naming dalawa. Umasa ako na mas lalo pa kaming mapapalapit sa isa't isa. Yun talaga ang pangarap ko. Natakot lang ako nung una kaya tumakbo ako. Hindi ko naintindihan ang nararammdaman ko noon kaya lumayo ako. Pero ngayon, handa na ako. Anu man ang mangyari, handa na ako. Haharapin ko na siya. Pero hindi ko siya nakita. Hinanap ko siya pero hindi ko talaga siya nakita nung araw na 'yun. Nagdaan ang mga araw, hinihintay ko pa rin na pansinin niya ako, pero wala talaga. Parang nagpapatunay lang na imahinasyon lang talaga ang mga naranasan ko.

Malaki ang panghihinayang ko sa sandaling yun. Malaking bagay na yun para sa akin pero pinalagpas ko pa. Ang laki kong tanga. Yun na ang huling magical na pangyayari na aking naaalala. Madami akong panghihinayang. Madaming "what if" at "only if". Nakakalungkot dahil naudlot agad ang pinapangarap kong pag-ibig. Pero ganun pa man, nagpapasalamat pa din ako at naranasan ko ang lahat ng yun. Naranasan ko ang managinip ng gising. Siguro maliit na bagay lang yun para sa kanya, hindi niya yun napansin noon at hindi na nga niya siguro maalala ngayon, pero para sa akin, bahagi na yun ng buhay ko.

Isang malaking bahagi ng pagkatao ko na nabubuhay sa tuwing bumabalik ako sa mga lugar na dati naming pinagsamahan. Wala na akong mababago sa nakaraan at hindi ko din mapipigilan kung ano ang nakatadhana. Ang mga nagdaan, matatanaw ko na lang sa aking mga alaala. Kung magkakaroon man ng susunod na kabanata ang kwento namin, "happy ending" man o simpleng "wakas", Diyos lang ang nakakaalam.

Minsan Tayo ay Naging Teenager

Minsan tayo ay naging teenager. Minsan dumaan tayo sa isang yugto ng ating buhay kung kailan puno ng mga hindi makakalimutang karanasan. M...